Bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng bagyong Kristine sa lalawigan ng Camarines Sur, inihahanda na ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga food packs na ipamamahagi sa mga posibleng maapektuhan ng nasabing sama ng panahon.
Ang hakbang na ito ay upang matiyak ang mabilis na paghahatid ng tulong at asistensya sa mga maaapektuhan ng bagyo sa lalawigan.
Samantala, ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) at mga Local DRRM Offices sa Camarines Sur ay nagkaroon ng emergency meeting kahapon upang talakayin ang mga hakbang sa paghahanda kaugnay ng bagyong Kristine.
Ilan sa mga napag-usapan sa meeting ang tungkol sa paghahanda at mga response strategies ng PDRRMC Camarines Sur at mga Local DRRMOs.
Sa ngayon, nakabantay na ang Red Alert status sa lalawigan ng Camarines Sur upang matiyak ang mas pinaigting na monitoring at mabilis na pagtugon sa posibleng epekto ng nasabing bagyo. | ulat ni Vanessa Nieva | RP1 Naga