BAN Toxics, nanawagan na bawasan ang basura sa Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Habang papalapit ang Undas ay muling umapela sa publiko ang Waste Pollution Watchdog na BAN Toxics na iwasan at bawasan ang pagkakalat ng basura sa mga bibisitahing sementeryo.

Ayon sa grupo, kadalasang kakabit ng pagdagsa ng milyon-milyong Pilipino sa mga sementeryo ang tone-toneladang basura na naiiwan matapos ang pagdalaw ng mga ito.

Umaasa ang BAN Toxics na sa pagkakataong ito ay mas mapanatili ng mamamayan ang kalinisan bilang respeto sa mga yumaong mahal sa bahay.

Dapat din aniyang magpatupad ng maayos na sistema ng pangangasiwa ng basura at panuntunan ang lahat ng mga namamahala sa mga sementeryo sa buong bansa.

Kasunod nito, naglabas naman ng ilang gabay sa publiko ang BAN Toxics upang mapanatiling malinis ang mga sementeryo. Kabilang dito ang pagdadala ng mga reusable at washable na kagamitan sa pagkain at inumin; tiyaking sapat na pagkain at inumin lang ang dala na hindi madaling masira/mapanis upang maiwasan ang “food waste;” mag-alay ng sapat na kandila at bulaklak, at iwasan ang “lead-core wick” o mitsang may lead wire upang makaisawas sa pagkalantad ng nakalalasong kemikal. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us