Mga guro at non-teaching personnel ng DepEd sa Leyte, naabutan ng tulong sa pamamagitan ng AKAP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang bahagi pa rin ng selebrasyon ng Teacher’s Day, higit 4,500 na mga guro at non-teaching personnel ng Department of Education (DepEd) mula Palo, Sta. Fe, Alangalang, San Miguel, Babatngon, Tanauan, at Tolosa sa Leyte ang nakatanggap ng tulong sa pamamagitan ng “AKAP Para kay Ma’am at Sir.”

Ang programa ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) katuwang ang Office of the Speaker at Tingog Party-list.

Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng tig-₱5,000 na tulong pinansyal at tig-5 kilo ng bigas.

Maliban dito mayroong 10 guro na nanalo ng ₱10,000 at 10 na iba pa na nanalo naman ng bagong laptop na pawang mga dagdag na regalo mula kay Speaker Martin Romualdez.

Nagpasalamat naman si DepEd Region 8 Regional Director Evelyn Fetalvero sa pagpapahalagang ipinakita ng pamahalaan sa mga guro na tiyak aniyang magpapataas sa kanilang morale.

Kinilala din nito ang Marcos Jr. adminsitration sa pagsusulong ng kapakanan ng mga guro at estudyante lalo na sa pagsasabatas ng Career Progression Program for Teachers at ARAL Program.

Kinatawan naman ni Tingog Party-list Representative Jude Acidre si Speaker Romualdez, at tiniyak ang commitmemt ng Leyte 1st District solon na maipatupad ang programa sa kabuuan ng public school teachers sa Leyte at kalaunan ay sa mga pribadong eskuwelahan din. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us