Parami ng parami ang bilang ng mga kanseladong byahe ng bus sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX.
Ayon sa pinakahuling anunsyo ng nasabing terminal, kanselado ang byhae ng AB Liner na may rutang Calauag, Quezon at oras ng byahe na 12:00 PM, 3:00 PM, 5:30 PM bunsod ng mga hindi madaraanang kalsada sa Quezon.
Kanselado rin ang byahe NV Ceres bus papuntang Iloilo City dahil naman sa kanseladong byahe sa dagat sa pantalan ng Batangas.
Gayundin ang byahe ng roro pa Masbate dahil din sa kanseladong byahe sa dagat sa Pilar Port.
Hindi rin ba byahe ang ALPS bus na papunta sanang Tabaco dahil naman sa hindi madaanang mga kalsada dahil sa pagbaha.
Gayubdin papuntang Gubat, Sorsogon, at Iriga.
Kanselado din LEGAZPI ST. JUDE bus na byaheng Virac, Catanduanes dahil parin sa cancelled sea travel sa Tabaco Port.
Sa ngayon ay wala pang naitalang stranded na pasahero sa PITX
habang ang kabuuang bilang ng mga byaherong namonitor ng terminal sa ngayon ay mahigit 35k na. | ulat ni Lorenz Tanjoco