Ipinagpapatuloy ng Makati City ang Bakuna Eskwela o ang libreng school-based immunization (SBI) program para sa Grade 1, Grade 4 (babae), at Grade 7 students.
Ayon kay Mayor Abby Binay, target ng programa ang 7,621 estudyante mula sa 24 pampublikong elementarya at high schools sa Makati mula October 11 hanggang November 22, 2024.
Paliwanag niya, ang inisyatibang ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Makati na protektahan ang mga bata mula sa mga sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna, kabilang ang tigdas, rubella, tetanus, diphtheria, at human papillomavirus (HPV).
Dagdag pa ni Binay na ang school-based immunization program ay isang mahalagang hakbang sa pangangalaga sa kalusugan ng mga bata at pagtiyak na mayroon silang sapat na proteksyon habang ipinagpapatuloy ang kanilang pag-aaral sa isang ligtas na kapaligiran. | ulat ni Lorenz Tanjoco