Tiniyak ng pamunuan ng Cybercrime Investigation and Coordination Center na handa sila sa posibilidad ng pananabotahe sa nalalapit na 2025 midterm elections.
Binabalaan ni CICC Executive Director Alexander Ramos ang mga magtatangkang manira o manggulo sa midterm elections na huwag nang ituloy ang mga balak dahil tiyak na made-detect ang mga ito ng kanilang mga inilatag na sistema.
Giit pa ni Ramos na patuloy ang ginagawa nilang kolaborasyon sa Commission on Elections para masawata ang cybercriminals na inaasahang aatake sa election season.
Dagdag ng opisyal na Enero pa lang ng 2024 ay inilalatag na nila ang mga kinakailangang teknolohiya laban sa mga nagbabalak gumawa ng mga kung anu-anong paninira gamit ang teknolohiya gaya na lamang ng deepfakes o yung pagpapalit ng larawan, boses o text para maiba ang kahulugan ng isang pahayag, palabas o poster. | ulat ni Lorenz Tanjoco