Photo courtesy of LTO Region VI
Sisiguruhin ng Land Transportation Office ang kaligtasan at seguridad ng biyahe ng publiko sa panahon ng Undas.
Sa ilalim ng DOTr-LTO Oplan Undas 2024, nagsimula nang magpakalat ng mga tauhan ang LTO sa mga pangunahing lansangan sa Region 6.
Simula kahapon, October 21, nagsagawa na ng Roadside at Terminal Inspections ang mga LTO personnel mula sa iba’t ibang district offices.
Partikular na kanilang ini-inspeksyon ang road worthiness ng mga sasakyan na bumibiyahe papunta sa mga sementeryo at columbarium.
Nagbibigay din sila ng tulong sa mga pasahero at motorista, namamahagi ng information materials at nagpapatupad ng batas sa transportasyon. | ulat ni Rey Ferrer