Ipinanukala ni Bicol Sarol Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan ang pagtatatag ng komprehensibong health insurance package para sa mga public school teachers at P7000 na medical allloawance subsidy.
Sa kaniyang panukalang batas, layon ng House bill 10990 na matiyak ang pagkakaroon ng mas malawak na benepisyong pangkalusugan ang mga guro at maging permanente na ang benepisyong natatanggap mula sa gobyerno.
Ang HMO type coverage para sa mga public school teachers ang magtataguyod anya ng preventive healthcare sa mga guro na kadalasan at nagkakasakit dahil sa labis na pagtatrabaho.
Sa paraang ito hindi na kailangan mag alala ng mga teachers sa pagtaas ng gastusin medical bago pa man maging malubha ang kanilang karamdaman.
Inaasahan na aabot sa isang milyon na mga guro sa pampubikong paaralan ang makikinabang sa panukala. | ulat ni Melany Reyes