Hindi matatawarang commitment ng PCG sa kanilang tungkulin, kinilala ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpapatuloy ang buong suporta ng pamahalaan sa pagpapalakas ng kapabilidad at assets ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sa ika-123 anibersaryo ng PCG, sinabi ng Pangulo na hindi lamang ito para suportahan ang paggampan sa kanilang tungkulin, bagkus ay upang mapalakas rin ang kanilang pagbabantay sa baybayin ng Pilipinas, pagpapataas sa domain awareness, weapons capability, at kinakailangang infra development ng PCG.

Pagsisiguro ng Pangulo, hindi nag-iisa ang PCG sa pagpasan ng misyon nito.

“Be assured, you are never alone in carrying the weight of this mission,” -Pangulong Marcos Jr.

Kaugnay nito, kinilala ng Pangulo ang katatagan, commitment, at dedikasyon ng PCG sa bawat rescue operation, protection efforts, at pagpapatupad ng batas kontra illegal fishing at environmental degradation na ginagawa ng PCG.

“Every rescue mission and every enforcement of laws against illegal fishing or environmental degradation sends a powerful message, a message that we can count on you whenever it matters most,” —Pangulong Marcos.

Pinapurihan rin ni Pangulong Marcos ang hindi matatawarang pagsi-serbisyo ng PCG sa Pilipinas.

Sabi ng Pangulo, hindi sapat ang ano mang salita at parangal upang ipahayag ang taos-pusong pasasalamat ng pamahalaan sa commitment at walang sawang paglilingkod ng PCG sa mga Pilipino.

“Words and awards are always never quite enough to express our appreciation for your unwavering commitment and tireless service,” -Pangulong Marcos.

Bukod sa Pangulo, present rin si First Lady Liza Araneta – Marcos sa kaganapan.

“The First Lady, First Lady Louise Araneta-Marcos of whom I have become very jealous because in my entire time in the military hindi pa ako nakapaglagay ng estrelya sa shoulder board ko. Sa kanya tatlo kaagad.” —Pangulong Marcos

Nakasuot ng uniporme ng PCG ang Unang Ginang, lalo’t una na itong nagawaran ng ranggong Vice Admiral ng Phil Coast Guard Auxilliary.

“Allow me to recognize our First Lady Liza Araneta-Marcos who recently joined the Philippine Coast Guard Auxiliary. [applause] This is not surprising because of her commitment to preserving our marine environment. May each of us also find it within us to be a member of the Philippine Coast Guard Auxiliary.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us