Para kay Senate President Chiz Escudero, ang ikakasang pagdinig ng Senado ang magiging pinakapatas na pagdinig tungkol sa war on drugs ng Duterte administration.
Ayon kay Escudero, kaya nga si Senate Minority leader koko Pimentel ang mamumuno sa pagdinig at Blue Ribbon Committee ang hahawak ng hearing ay para matiyak ang fairness sa pagdinig.
Pero sa huli, ang mga manunuod pa rin aniya ng magiging Senate Inquiry ang makapaghuhusga kung patas ang pagsasagawa nila ng imbestigasyon.
Samantala, tiniyak ng Senate President na ibibigay kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nararapat na paggalang dito bilang dating presidente ng bansa.
Buo naman ang tiwala ni Escudero kay Pimentel na mapapamunuan nito ng maayos ang pagdinig bilang batikan na itong senador at magaling na abugado.| ulat ni Nimfa Asuncion