Kinumpirma ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na dadalo sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Dela Rosa, sinabi sa kanya ni dating Pangulong Duterte na dadalo ito sa pagdinig ng Senado sinuman ang magpre-preside o mamumuno sa pagdinig.
“The former President told me that he is going to attend the Senate hearing regardless of who is presiding.”
Samantala, sinabi rin ni Dela Rosa na dadalo rin siya sa pagdinig ng blue ribbon subcommittee.
Ito ay sa kabila ng mga panawagan na mag-indefinite leave muna siya at si Senador Christopher ‘Bong’ Go habang isinasagawa ang imbestigasyon sa war on drugs.
Giit ng senador, aatend siya sa hearing para harapin ang mga nag-aakusa sa kanya.
Kailangan aniyang malaman ng publiko ang katotohanan sa isyu.
“No! I have to confront the liars because the public deserves to know the truth.” | ulat ni Nimfa Asuncion