Pinapurihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si First Lady Liza Araneta-Marcos sa pagsali sa Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA), upang maisulong ang mga adhikain na protektahan ang maritime environment ng Pilipinas.
Ginawa ng pangulo ang pagkilalang ito sa selebrasyon ng ika-123 anibersaryo ng Philippine Coast Guard, na dinaluhan nina Pangulong Marcos at FL Liza, ngayong araw (October 22), sa Port Area Manila.
Sa naging talumpati ng pangulo, sinabi nito na hindi na niya ikinagulat ang naging hakbang na ito ng Unang Ginang.
Aniya, batid niya ang personal na commitment ni FL Liza na pangalagaan ang marine environment ng bansa.
“Allow me to recognize our First Lady Liza Araneta-Marcos who recently joined the Philippine Coast Guard Auxiliary. This is not surprising because of her commitment to preserving our marine environment,” —Pangulong Marcos.
Umaasa ang pangulo na mas marami pang Pilipino, ang ma-engganyo na mapabilang sa PCG Auxiliary, at alalayan ang tanggapan na isulong ang kaligtasan ng buhay at property ng Pilipinas sa karagatan.
“May each of us also find it within us to be a member of the Philippine Coast Guard Auxiliary. And I also see some of the prominent members who have also joined the First Lady in becoming part of the Philippine Coast Guard Auxiliary. Well done,” —Pangulong Marcos.
Layunin rin ng PCGA na ma-preserba ang marine environment at resources nito, makapagsagawa ng maritime search at rescue, at iba pang aktibidad na magpapalakas sa maritime community relations ng bansa. | ulat ni Racquel Bayan