Nagsuspinde na ng klase ang mga lokal na pamahalaan sa Eastern Metro Manila gayundin ang Lalawigan ng Rizal dahil sa bagyong Kristine.
Kabilang sa mga nagsuspinde ng panghapon klase ang Pasig City, Mandaluyong City, Marikina City at San Juan CIty, gayundin ang Lalawigan ng Rizal.
Batay sa kanilang abiso, suspendido na ang klase sa pampubliko at pribadong paaralan mula kindergarten hanggang senior high school, pati na rin sa Alternative Learning System (ALS).
Ang suspensyon ng klase ay alinsunod sa DepEd Order No. 37, s. 2022, kung saan awtomatikong suspendido ang klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan (online at face-to-face) kapag may tropical cyclone signal na nakataas sa lugar.
Sa kasalukuyan, nakataas ang Signal No. 1 sa Metro Manila at Rizal.| ulat ni Diane Lear