Inanunsyo ng Malacañang na pagpatak ng alas dose ng tanghali sa Huwebes, October 31, 2024, suspendido na ang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan at pampublikong paaralan.
Ito ayon sa Malacañang ay upang bigyang daan ang mga paghahanda at pag-biyang gagawin ng publiko para sa All Saints’ Day at All Souls’ Days.
Nakasaad sa ilalim ng Memorandum Circular No. 67 na ito ay upang maisulong na rin ang domestic tourism sa bansa.
“In order to provide government employees full opportunity to properly observe traditional AIl Saints’ Day and All Souls’ Day activities, allow them to travel to and from different regions in the country, and promote domestic tourism, work in government offices and classes at all levels shall be suspended on 31 October 2024 starting 12:00 p.m.” —PCO.
Gayunpaan ang mga tanggapan ng pamahalaan na mayroong kinalaman sa delivery ng basic at health services, maging sa disaster preparedness and response, dapat na magpatuloy sa operasyon.
“However, those agencies whose functions involve the delivery of basic and health services, preparedness/response to disasters and calamities, and/or the performance of other vital services shall continue their operations and render the necessary services.” —PCO.
Habang ang suspensyon naman ng pasok sa mga pribadong kumpaniya ay ipinauubaya na ng Palasyo sa pamunuan ng mga ito.
“The suspension of work for private companies and offices is left to the discretion of their respective heads.” —PCO.
Pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Memorandum Circular, ika-22 ng Oktubre, 2024.| ulat ni Racquel Bayan