Umabot na sa mahgitit 17,000 na mga paraalan sa buong bansa ang nagsuspinde ng klase dahil sa Bagyong Kristine.
Sa pinakahuling situational report na inilabas ng Department of Education (DepEd), mahigit 7.3 milyong mga mag-aaral habang mahigit 344,000 na mga guro at non-teaching staff ang apektado mula sa 12 rehiyon sa bansa.
Kabilang dito ang CAR, Region 2, Region 3, Region 4A, Region 4B, Region 5, Region 6, Region 7, Region 8, Region 9, Region 10, at Region 12.
Batay din sa datos ng DepEd, nasa apat na mga paaralan ang binaha sa Romblon, Sorsogon, at Leyte.
Inaasahan na madadagdagan pa ang bilang ng mga apektadong paaralan dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine sa iba’t ibang rehiyon sa bansa. | ulat ni Diane Lear