Suspendido na ang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan at mga paaralan sa Luzon (all levels) para bukas, ika-23 ng Oktubre, dahil sa mga pag-ulan bunsod ng bagyong Kristine.
Ito ang inanunsyo ni Executive Secretary Lucas Bersamin ngayong gabi (October 22).
“In view of the inclement weather brought about by Tropical Storm “Kristine” affecting the whole country, particularly the Island of Luzon, work in government offices and classes at all levels in Luzon are hereby suspended on 23 October 2024.” —OES.
Gayunpaman ang mga tanggapan ng pamahalaan na mayroong kinalaman sa delivery ng basic at health services, maging sa disaster preparedness and response, dapat na magpatuloy sa operasyon.
“However, those agencies whose functions involve the delivery of basic and health services, preparedness/response to disasters and calamities, and/or the performance of other vital services shall continue their operations and render the necessary services.” —OES.
Habang ang suspensyon naman ng pasok sa mga pribadong kumpaniya ay ipinauubaya na ng Palasyo sa pamunuan ng mga ito.
“The suspension of work for private companies and offices is left to the discretion of their respective heads.” —OES.| ulat ni Racquel Bayan