Malaki na ang bilang ng mga pamilyang nananatili sa evacuation centers dahil sa epekto ng bagyong Kristine.
Ayon sa DSWD, mayroong 4,000 pamilya o katumbas ng higit 15,000 indibidwal ang nananatili sa 267 evacuation centers.
Karamihan sa mga ito ay mula sa Cagayan Valley Region, MIMAROPA, Bicol Region, Region 6, 8, 12, at BARMM.
Nasa 2,582 na pamilya na rin o higit 8,000 indibidwal din ang pansamantalang nanatili sa kanilang mga kaanak.
Ayon sa DSWD, sa kabuuan ay sumampa na sa 112,000 na pamilya o halos kalahating milyong indibidwal ang naitala ng DSWD na apektado ng mga pag-ulang dala ng bagyong Kristine.
Kaugnay nito, umakyat na rin sa 41 kabahayan na labis na nasira ng mga pagulan habang 146 rin ang partially damaged.
Tuloy-tuloy pa rin naman ang relief efforts ng DSWD sa mga lalawigang apektado na nakapaghatid na ng inisyal na ₱2.3-milyong halaga ng humanitarian assistance. | ulat ni Merry Ann Bastasa