Namahagi ng mga modular tent ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa may 30 barangay sa lungsod.
Ito’y bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa posibleng pagkakasa ng preemptive evacuation sakaling lumala ang sitwasyon dulot ng bagyong Kristine.
Ayon sa Pasig LGU, patuloy na pinalalakas nito ang kakayahan ng mga barangay sa pagtugon sa anumang emergency gayundin sa panahon ng sakuna.
Bago ito, namahagi rin ang LGU ng mga Fire Truck, Patient Transport Vehicle, Utility Vehicle, at Automated External Defibrillator sa mga barangay.
Habang tumanggap naman ng GO BAG ang mga residente na naglalaman ng mahahalagang kagamitan na kailangan sa panahon ng kalamidad. | ulat ni Jaymark Dagala