Inactivate na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang mga regional shelter cluster team sa mga lugar na daraanan ng bagyong Kristine.
Bahagi ito ng proactive measure ng ahensya upang masiguro ang agarang pagtugon at pagbibigay tulong sa mga apektado ng bagyo.
Kabilang sa mga activated shelter clusters ang Ilocos Region (RO1), Cagayan Valley (RO2), Central Luzon (RO3), Calabarzon (RO4A), Mimaropa (4B), Bicol Region (RO5), Western Visayas (RO6), Central Visayas (RO7), Eastern Visayas (RO8), the National Capital Region (NCR), at Cordillera Administrative Region (CAR).
“This is in line with the directive of the President to ensure all necessary assistance are prepared for our kababayans. We need to be proactive,” pahayag ni Secretary Jose Rizalino Acuzar.
Sa direktiba ni DHSUD Sec. Acuzar, pinatitiyak sa mga Regional Directors to na matututukan ang sitwasyon sa kanilang mga lokalidad para sa emergency response at humanitarian assistance.
Handa rin ang DHSUD na magpaabot ng cash assistance sa ilalim ng Integrated Disaser Shelter Assistance Program (IDSAP) para sa mga biktima ng kalamidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa