Nananawagan ngayon si Camarines Sur 2nd District Rep. LRay Villafuerte ng karagdagang rubber boats pang rescue.
Aniya ngayong patuloy pa rin ang pag ulan ay may mga inililikas pa rin sila.
Limitado lamang kasi aniya ang rubber boats ng regional, provincial at municipal government.
Aniya, bagama’t sanay na sila sa bagyo at maagang nakapagpalikas ng mga residente ay may mga nangangailangan pa rin ng tulong lalo na kung magpapatuloy ang malakas na ulan.
Posible naman na isailalim aniya sa state of calamity lalawigan matapos malubog sa tubig baha ang 85% mg mga baranggay dahil sa bagyong Kristine. | ulat ni Kathleen Forbes