Magpapadala ng mahigit 100 bucket ng water filtration kits ang Department of Social Welfare and Development sa mga lugar sa Bicol Region na sinalanta ng bagyong Kristine.
Hakbang ito ng DSWD, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, makipagtulungan sa Metropolitan Manila Development Authority ang DSWD para sa probisyon ng water filtration system sa Bicol Region.
Ayon sa kalihim, kaya umano ng isang bucket ng portable water filtration na makapagbigay ng malinis na suplay sa 100 katao kada araw.
Naipamahagi na rin ito noon sa mga sinalanta ni bagyong Julian sa Basco Batanes .
Ipapadala ng DSWD ang mga water filtration system sa evacuation centers o mga komunidad kung saan naapektuhan ang water sources dahil sa kalamidad.
Sinimulan na rin kahapon ng DSWD ang pamamahagi ng tulong at nagpapatuloy na ito ngayon. | ulat ni Rey Ferrer