Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na may sapat na suplay ng bigas ang bansa hanggang sa katapusan ng taon.
Ito ay sa kabila ng magiging epekto ng bagyong Kristine at naitalang mababang produksyon dahil sa El Niño.
May matatag na rice supply na 3.83 million metric tons ang bansa na sapat para sa rice consumption sa loob ng 100 araw.
Ayon kay DA Undersecretary Christopher Morales, OIC ng Rice Industry Programs, bagama’t may forecast loss na 358,000 metric tons batay sa historical damages at actual risks sa kasalukuyan.
Aniya, ang kabuuang palay production ngayong taon ay inaasahang aabot sa 19.41 million metric tons o nasa 12.69 million tons ng milled rice.
Ang nagdaang bawas sa tariff rates ang nagbigay ng insentibo sa imports kayat nagkaroon ng mas magandang access sa global rice markets at napigilan ang inaasahang kakulangan sa suplay.| ulat ni Rey Ferrer