Nagdeploy ng ilang generator set ang Ako Bicol party-list sa mga barangay na apektado ng Bagyong Kristine.
Isa dito ay sa Brgy. San Roque sa Malilipot sa Albay.
Ito ay para mabigyang pagkakataon ang ilan sa mga apektadong residente doon na makapag-charge ng kanilang mga cellphone pati na rechargeable fans at lamps.
Mayroon ding ipinadalang genset sa may Joroan covered court para magsilbing charging station.
Sinabi naman ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na sinusubukan na nilang bumili ng dagdag na rubber boats sa Maynila.
Bunsod na rin ito ng kakulangan ng bangka pang-rescue.
Gayonman may pagkaantala ito dahil hindi rin makabiyahe ang mga rubber boat papuntang Quezon Port bago dalhin sa Camarines Sur dahil binabaha na rin ang probinsya dahil sa bagyo. | ulat ni Kathleen Forbes