Ukranian national na isa sa mga sinasabing biktima ng sexual abuse ni Pastor Quiboloy, isiniwalat ang pagkakakilanlan at naranasang pang aabuso

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matapang na humarap sa pagdinig ng Senado ngayong araw ang Ukranian na si Yulya Tartova, isa sa mga dating miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at sinasabing naging biktima siya ng sexual abuse ni Pastor Apollo Quiboloy.

Si Yulya ay una nang humarap sa pagdinig ng senado noong Enero, pero noong mga panahong iyon ay tinago pa ang totoong pagkatao nito at nagpresinta bilang si alyas ‘Sofia’.

Ngayong araw, buong tapang na nitong hinarap si Quiboloy at ibinahagi ang karanasan niya noong 2014 habang miyembro pa siya ng KOJC.

Ayon kay Yulya, kabilang siya sa mga ‘pastoral’ na sinasabihang dapat isuko ang kanilang katawan kay Pastor Quiboloy.

Ilang beses aniya niyang sinubukan na tumanggi na magpagamit sa religious leader pero pinipilit pa rin siya, tinatakot at ginagamitan ng psychological punishments.

Itinuro rin ni Yulya si Jackielyn Roy na nag-groom sa kanya sa pastoral at siyang naghahanda sa kanya sa sexual service para kay Quiboloy.

Sinabi rin ni Yulya, na may schedule ang mga babae na magbibigay ng sexual service sa pastor.n

Nang matanong naman tungkol dito, iginiit ni Roy ang kanyang right against self-incrimination bilang kabilang ito sa mga nakasuhan sa korte kaugnay ng pang aabuso sa mga miyembro ng KOJC. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us