Suspendido na ang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan at mga paaralan sa Luzon (all levels) para bukas, ika-24 ng Oktubre, dahil sa mga pag-ulan bunsod ng bagyong Kristine.
Ito ang inanunsyo ng Office of the Executive Secretary ngayong gabi, October 23.
“Upon the recommendation of the National Disaster Risk Reduction and Management Council relative to the forecasted continuous heavy rainfall due to Severe Tropical Storm “Kristine,” and to aid in the rescue and relief operations of the government, work in government offices and classes at all levels in Luzon are hereby suspended on 24 October 2024.” —OES.
Ito ayon sa OES ay upang masuportahan na rin ang mga isasagawang relief at rescue operations ng gobyerno.
Gayunpaman ang mga tanggapan ng pamahalaan na mayroong kinalaman sa delivery ng basic at health services, maging sa disaster preparedness and response, dapat na magpatuloy sa operasyon.
“However, those agencies whose functions involve the delivery of basic and health services, preparedness/response to disasters and calamities, and/or the performance of other vital services shall continue their operations and render the necessary services.” —OES.
Habang ang suspensyon naman ng pasok sa mga pribadong kumpaniya maging sa iba lang lugar sa bansa, ay ipinauubaya na ng Palasyo sa LGUs at pamunuan ng private companies.
“Further thereto, the localized cancellation or suspension of classes and/or work in government offices in other areas may be implemented by their respective Local Chief Executives, pursuant to relevant laws, rules and regulations.” —OES. | ulat ni Racquel Bayan