Nasa 4,602 pamilya o 20,403 residente sa Western Visayas ang apektado ng Bagyong Kristine.
Ito ay batay sa pinakahuling monitoring ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council 6.
Ang mga apektadong residente ay mula sa 83 barangay sa mga probinsya ng Iloilo, Negros Occidental, Capiz, at Aklan.
Karamihan sa mga apektadong residente ay nasa evacuation centers, habang ang iba naman ay nakituloy sa kanilang mga kamag-anak.
Ayon kay OCD-6 Spokesperson Maria Christina Mayor, pre-emptive evacuation ang ginawa ng karamihan, lalo na sa mga flood-prone areas, para na rin sa kanilang kaligtasan.
Samantala, nagpaabot na rin ng halos PHP 1.7 million na halaga ng food packs at non-food items ang DSWD at mga lokal na pamahalaan sa mga apektadong residente sa rehiyon. | ulat ni Paul Tarrosa | Radyo Pilipinas Iloilo