Isang lane pa rin ang nadaraanan ng mga motorista sa Araneta Avenue, patungong Quezon Avenue dahil sa nakahambalang na tatlong truck sa kalsada.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nagkasagian ang tatlong truck sa kasagsagan ng ulan kanilang pasado alas-3 ng madaling araw matapos mag-counterflow ang dalawang 10-wheeler truck at hindi napansin ang padaang trailer truck.
Pinilit pang umiwas ng trailer truck kaya sumampa na lang ito sa gutter.
Dahil hanggang balikat na ang baha kaninang madaling araw, tuluyan nang tumirik ang mga truck sa Araneta Avenue.
As of 8:30am, dumating na ang mga tow truck at tulong-tulong na rin ang mga pahinante at tauhan ng MMDA para mahatak ang mga tumirik na sasakyan.
Samantala, nagkalat naman ang basura at maputik ang kalsada sa bahagi ng Araneta Avenue matapos humupa ang ulan. | ulat ni Merry Ann Bastasa