Humanitarian Caravan, inihatid ng Red Cross sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Kristine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dinala na ng Philippine Red Cross (PRC) ang kanilang Humanitarian Caravan sa mga lugar na matinding sinalanta ng bagyong Kristine.

Laman ng kanilang relief trucks ang mga food at non-food items gaya ng jerry cans, hygiene kits, sleeping kits, at kitchen sets.

Nakakalat na rin ang kanilang rescue teams kasama ang kanilang mga kagamitan na kakailanganin sa ikakasa nilang operasyon.

Kabilang na rito ang mga 6×6 truck, amphibian, rubber boats, food trucks, at water tankers upang tugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga magsisilikas na residente.

Kahit nasa Geneva Switzerland, mahigpit pa ring tinututukan nila PRC Chairperson Richard Gordon at PRC Secretary General Gwen Pang ang sitwasyon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us