Mahigit kalahating milyong customer ng MERALCO, nawalan ng kuryente dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine
Puspusan na ang ginagawang restoration activities ng Manila Electric Company (MERALCO) sa mga lugar na nawalan ng suplay ng kuryente dulot ng pananalasa ng bagyong Kristine.
Batay sa pinakahuling ulat ng MERALCO, aabot sa 535,000 customer nito ang nakaranas ng brownout partikular na sa mga lalawigan ng Cavite at Laguna.
Maliban dito, apektado rin ng power interruptions ang kanilang mga customer sa mga lalawigan ng Rizal, Quezon, Batangas, gayundin sa nalalabing bahagi ng Metro Manila at sa Bulacan.
Kasunod niyan, tiniyak ng MERALCO na kanilang sisikaping maibalik ang power supply sa mga apektadong lugar sa lalong madaling panahon. | ulat ni Jaymark Dagala