Contempt order laban kay Cassandra Ong, pinalawig ng QuadComm

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mananatili pa rin sa Women’s Correctional Facility si Cassandra Ong, ang incorporator at kinatawan ng Whirwind Corporation at Lucky South 99 na pawang iligal na mga POGO.

Sa desisyon ng House Quad Committee, palalawigin ang Contempt Order kay Ong hanggang sa isumite niya ang mga hinihingi na dokumento.

Dapat ngayong araw matatapos ang 30-day-detention ni Ong.

Una nang idinahilan ni Ong na hindi niya maisumite ang mga dokumento na may kauganayan sa naturang mga kompanya dahil nasa cellphone niya ito na hawak ng National Bureau of Investigation (NBI).

Pero hindi naniniwala dito si Quad Committee Lead Chair Robert Ace Barbers.

Aniya, walang indibidwal na tanging sa cellphone lang magtatago ng files.

Kung gusto din aniya niya talaga isumite ang dokumento ay maaari niyang pasulatin ang kaniyang abogado para makahingi ng access sa NBI sa kanyang cellphone. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us