Pornal ng nilagdaan ni Mayor Honey Lacuna-Pangan ang City Ordinance 9081 o ang dagdag na allowances sa mga senior citizens na residente ng Maynila.
Dahil dito, mula sa P500.00 kada buwan na allowance dodoblehin na ito sa P1,000.00.
Sisiimulan ang batas sa January 2025 kung saan sa unang tatlong buwan ay makukuha na ng mga lolo’t lola ang P3,000.00 na allowance.
Ayon kay Mayor Honey Lacuna-Pangan, agad silang gumawa ng hakbang para sa kapakanan ng mga senior citizens.
Aniya, naglaan sila ng pondo para sa dagdag na monthly allowances at hindi na rin po-problemahin pa ang mga gamot na kakailanganin ng mga senior citizens dahil libre na nila itong makukuha health centers.
Dagdag pa ni Mayor Honey, mas magiging maayos ang proseso sa distribution ng allowances ng senior upang lahat ay makakatanggap nito. | ulat ni Michael Rogas