Tutulungan ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro at pensioner na apektado ng pananalasa ng Bagyong Kristine.
Ayon kay SSS Senior Vice President for Lending and Asset Management Group Pedro T. Baoy, binuksan na nila ang SSS salary loan program para masigurong makakabangon agad ang mga miyembro na naapektuhan ng bagyo.
“As part of our proactive response to the urgent financial needs of our members and pensioners during natural calamities, the SSS loan programs are readily available to support their recovery,” sabi ni SSS Senior Vice President for Lending and Asset Management Group Pedro T. Baoy
Upang maging kwalipikado sa programa, kailangang may 36 monthly contributions ang miyembro isang buwan bago ang loan application.
Ang mga miyembro naman na nais maka avail ng dalawang buwang salary loan ay dapat na may 72 posted contributions sa SSS.
“They must be under 65 years of age at the time of loan application and have not been granted any final benefit like total disability, retirement, or death benefits,” dagdag ni Baoy.
Maaaring magsumite ng kanilang salary loan application online via My.SSS Portal. Oras na maaprubahan, ang loan proceeds ay ipapasok sa member’s registered Unified Multi-Purpose Identification (UMID)-ATM Card o active accounts sa Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet)-participating bank.
Maaaring bayaran ng ang loan sa loob ng dalawang taon na may 10% annual interest rate.
Maaari namang makautang ang mga retirement pensioners sa SSS pension loan na katumbas ng kanilang tatlo, anim, siyam at 12 beses ng kanilang Basic Monthly Pension na may dagdag na P1,000 benepisyo na hindi lalampas sa P200,000. | ulat ni Merry Ann Bastasa