Nagdesisyon nag Quad Committee ng Kamara na huwag nang ituloy ang dapat sana’y ika sampung pagdinig ng komite.
Ayon kay Quad Comm lead chair Rober Ace Barbers mas mahalaga ngayon matutukan ng mga kongresista ang kani-kanilang distrito matapos manalasa ang Bagyong Kristine.
“Our primary focus right now is to assist our constituents who have been severely impacted by Typhoon Kristine. Many of our fellow Filipinos are dealing with devastating loss and damage to their homes, livelihoods, and communities. As representatives of the people, we have a duty to be on the ground and lend every possible support,” saad niya
Kasabay nito siniguro ni Barbers sa mga naapektuhang residente na kaisa sila sa pagharap sa hamon kasabay ng pagbibigay halaga sa isang whole of nation approach at mabilis na aksyon para umagapay sa mga nangangailangan.
“This is not the time for division. We need a united response to ensure that those who are hardest hit by this calamity receive immediate relief. The national government, local government units, the private sector, and civic organizations must all come together in a coordinated effort to help our kababayans rebuild.” diin niya.
Hinikayat naman niya ang mga kasamahang mambabatas na tutukan ang kanilang mga lokal na komonidad at manguna sa pagpapaabot ng tulong
Iaanunsyo na lamang aniya nila ang petsa ng susunod na pagdinig oras na humupa na ang sitwasyon at maikasa na ang mga relief operations. | ulat ni Kathleen Forbes