Measured at controlled na pagpapakawala ng tubig mula sa mga dam, siniguro ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbukas na ng gates ang tatlo sa malalaking dam na binabantayan ng pamahalaan sa Luzon, sa gitna ng mga pag-ulan dala ng Bagyong Kristine.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni National Power Corporation (NAPOCOR) Flood Operations Manager Maria Teresa Sierra, na minimal lamang ang pagpapakawala ng tubig ng Ambuklao, Binga, at San Roque dams.

Aniya 0.5 meters ang nakabukas na gates ng Ambuklao at Binga, habang one meter naman sa San Roque dam.

Ibig sabihin, controlled at measured ang water releases na ito.

“Dito po papasok si NAPOCOR na flood control, so with the recent amendments of our protocols, we are working on it right now. So we… parang nagga-guarantee na ‘yung assurance sa mga downstream communities na ‘yung mga past experiences po natin with the dams marami po tayong mga lessons learned about it eh,” —Sierra.

Ang hakbang na ito, ayon sa opisyal ay upang matiyak na mayroon pa ring sapat na reservoir allocation sa harap ng inaasahan pang pagbuhos ng ulan.

Siniguro naman ng opisyal na hindi magdudulot ng mga pagbaha sa mga komunidad na nakapaligid o malapit sa dam ang pagpapakawala ng tubig.

“This is to ensure that pagdating noong Bagyong Kristine is mayroon tayong sapat na reservoir allocation para iyong ina-anticipate natin na malaking buhos ng pag-ulan is maagapan siya at hindi iipunin lang ng ating mga dam. So, iyong mga releases dito na ginagawa is very controlled siya and will definitely not cause flooding sa downstream communities natin.” —Sierra.

Kung matatandaan, kahapon (October 23) una nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na planuhing maigi at simulan na ang unti-unting pagpapalabas ng tubig sa mga dam kahit hindi pa masyadong mataas ang water level para maagapan ang malaking volume ng ulan na dala ng bagyong Kristine. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us