Ilang lugar sa Albay, wala pang kuryente; Pagsasaayos ng mga linya, tuloy tuloy  –- ALECO  

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malaking hamon ngayon sa Albay Electric Cooperative (ALECO) ang pagbabalik ng kuryente sa probinsya ng Albay dahil sa epekto ng bagyong Kristine.

Ayon kay Anj Galero, Public Information Officer ng ALECO, maraming lugar sa Albay ang napuruhan sa kanilang linya kung kaya’t ginagawa nilang 24 oras ang pagsasaayos nito.

Aniya, wala pang kuryente sa kani-kanilang substations sa Polangui, Malinao, Tabaco, at Sta. Misericordia. Sa siyudad naman ng Legazpi, may mga lugar pa na wala pang kuryente dahil sa patuloy na isinasagawang pagsasaayos ng mga linya dahil sa baha.

Patuloy din ang isinasagawa nilang assessment sa halaga ng napinsalang mga linya na dulot ng bagyo.

Dagdag pa ni Galero, wala pang eksaktong petsa kung kelan maaayos ang mga linya pero tuloy-tuloy ang isinasagawang pag-recover ng mga linya ng kuryente sa probinsya. | ulat ni Paul Hapin, Radyo Pilipinas Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us