House Speaker, suportado ang pagkansela sa pagdinig ng QuadComm para mapagtuunan ang relief ops

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ni House Speaker Martin Romualdez ang desisyon ng Quad Committee na hindi na ituloy ang kanilang pagdinig ngayong araw, para bigyang daan ang relief efforts para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine.

Ayon sa Speaker, bilang mga kawani ng pamahalaan, mahalaga na ang mga mambabatas ay matutukan ang kanilang mga distrito at kababayan.

“We welcome the decision of the Quad Comm as announced by Chairman Ace Barbers. Ang atensyon dapat natin ngayon ay kung paano makakatulong sa ating mga kababayang nasalanta ng bagyo,” sabi ni Romualdez.

Paalala niya, na higit sa lehislasyon ay mas kailangan ngayon ng mga residente ang tulong.

Tuloy-tuloy naman ang paghahanda at pagpapadala ng relief packs ng Kamara matapos ikasa ang malawakang relief operations sa Bicol, Eastern Visayas, MIMAROPA at CALABARZON.

Kabuuang P411 million na halaga ng cash assistance at relief packs ang ipagkakaloob sa 22 distrito na pinadapa ng bagyo salig na rin sa atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“The resources we have mobilized reflect our commitment to respond promptly and with urgency to the needs of those displaced and affected by Typhoon Kristine. We are doing everything in our power to make sure help reaches the most vulnerable,” sabi pa niya. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us