Sen. Bong Revilla, nagpadala na ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpadala na ng tulong si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Kristine sa Bicol Region.

Sa kanyang Facebook live, ibinahagi ni Revilla na mayroon nang dalawang truck ang umalis kagabi lulan ang relief goods na ipapamahagi sa mga nasalanta ng bagyo.

Sinabi ng senador, na unang bibigyan ng tulong ang mga taga Naga na isa sa mga matinding tinamaan ng bagyo.

Nakadepende naman aniya sa lagay ng panahon at sa lagay ng mga kalsada at tulay ang paghahatid ng tulong.

Pinunto ni Revilla, na marami kasing mga tulay at kalsada ang nasira dahil sa mga landslide at umagos na lahar dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Patuloy pa rin aniya ang pag aayos nila ng mga relief pack para sa iba pang nangangailangan ng tulong.

Nanawagan naman ang mambabatas sa publiko, na tumulong sa bayanihan para sa mga kababayan nating nawalan ng tahanan at mga ari arian dahil sa bagyo. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us