2025 General Appropriations bill mula Kamara, pormal nang natanggap ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang natanggap ng Senado ang P6.352 trillion 2025 General Appropriations Bill (GAB) o ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.

Matatandaang naaprubahan ng Kamara ang 2025 GAB noong Setyembre bago ang session break ng Kongreso.

Una nang sinabi ni Senate President Chiz Escudero, na matapos matanggap ang bersyon ng Kamara ng panukalang pambansang pondo ay aayusin na ng Senate Committee on Finance ang committee report nito tungkol sa bersyon ng Senado ng proposed national budget.

Inaasahang sa pagbabalik sesyon ng senado sa November 4 ay maihahain na ang committee report ng 2025 GAB, habang sa November 5-6 naman ay pwede nang maipresinta sa senate plenary ang 2025 budget.

Matapos nito ay masisimulan na sa susunod na linggo ang plenary debates, na kadalasang ginagawa hanggang madaling araw.

Target ng Mataas na Kapulungan na matapos ang plenary debates sa loob ng dalawang linggo.

Posible aniyang sa una o ikalawang linggo ng Disyembre ay ganap nang maaaprubahan ng senado ang panukalang 2025 budget. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us