Umabot na sa mahigit 1,000 pamilya o katumbas ng mahigit 4,000 indibidwal ang nailikas sa mga evacuation center sa Quezon City dahil sa epekto ng bagyong Kristine.
Ayon sa QC DRRMO, sa kasalukuyan may 20 evacuation centers sa lungsod. Habang 12 barangay sa lungsod ang nagpatupad ng pre-emptive evacuation sa mga mabababang lugar.
Kabilang sa mga barangay na may evacuation centers ang mga sumusunod:
– Barangay Del Monte
– Manresa
– Masambong
– Damayang Lagi
– Balingasa
– Project 6
– Bahay Toro
– Tatalon
– Roxas District
– Dona Imelda
– Apolonio Samson
– Bagong Silangan
Posible pang madagdagan ang bilang ng mga evacuee dahil na rin sa tuloy-tuloy na pag-ulan na nagdulot na ng pagbaha sa lungsod dulot ng bagyo.
Samantala, dahil sa patuloy na nararanasang sama ng panahon dala ng bagyong #KristinePH, mananaliting walang pasok sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Quezon City bukas, October 25, 2024. | ulat ni Diane Lear