Bilang ng evacuees sa Valenzuela, nasa higit 400

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa higit 400 residente sa Valenzuela ang nananatili sa mga evacuation site dahil sa pagbaha na idinulot ng bagyong Kristine.

Katumbas pa ito ng 150 na pamilya na pansamantalang nanunuluyan sa anim na evacuation centers sa lungsod.

Pinakamarami ang nananatili sa Valenzuela National High School sa Brgy. Marulas na aabot sa 87 pamilya o katumbas ng 214 na indibidwal.

Una na ring binisita ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian ang ilang evacuation centers upang tiyakin na ang bawat evacuee ay komportable at nasa maayos na kalagayan.

Kaugnay nito, as of 8am ay may ilang kalsada pa rin sa lungsod ang baha kabilang ang Lingunan Bridge na abot pa sa tuhod ang baha. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us