753 bus units, nabigyan na ng special permit ng LTFRB para makabyahe sa Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 272 special permit sa mga bibiyaheng pampasaherong bus sa darating na Undas 2024.

Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III, ang ibinigay na 272 special permit ay para sa 753 bus units.

Inaasahan pang tataas ang bilang na ito dahil mas maraming operator ang nag-apply na kumuha ng special permit.

Ani Guadiz, ang mga special permit ay may bisa mula October 25 hanggang November 10, 2024.

Maaari ding magbigay ng karagdagang special permit ang LTFRB sakaling mangailangan ng karagdagang mga bibiyaheng bus ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Nakikipag-ugnayan na ang LTFRB sa mga bus operator upang matiyak na mayroong sapat na mga bus upang ma-accommodate ang inaasahang pagdagsa ng mga commuter.

Nag-deploy na rin ang ahensya ng mga tauhan upang subaybayan ang pagpapatupad ng mga regulasyon sa pamasahe at upang tulungan ang mga pasahero sa mga terminal. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us