Nagpahayag ng pakikiisa ang pamahalaang lungsod ng Makati sa pangunguna ng alkalde nitong si Mayor Abby Binay sa mga Bicolano.
Aniya, palaging handang tumulong ang Makati sa ibang lokalidad sa abot ng kanilang makakaya sa panahon ng kalamidad.
Sa pamamagitan ng nasabing hakbang ay binigyang-diin ng Makati City ang kakayahan nito pagdating sa disaster relief and rescue.
Nagpadala kasi ang Makati Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) ng 27 katao, kabilang ang technical search and rescue responders at emergency medical services responders.
paliwanag ng Makati City, kargado din ang kanilang mga tauhan ng kumpletong kagamitan para sa Water Search and Rescue, mga steel boats/rubber boats, mga kagamitang medikal, high-angle search and rescue equipment, at personal protective equipment.
May bitbit din ang mga naturang tauhan ng Makati ng mga generator set at Urban Search and Rescue Shelter.
Kasama rin sa mga gamit na dinala ng Makati DRRMO teams ang apat na rescue vehicles, dalawang basic life support ambulances, at isang canter truck. | ulat ni Lorenz Tanjoco