Umabot na sa 46 ang naitalang nasawi sa bansa dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine.
Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Executive Director Undersecretary Ariel Nepomuceno, pinakamarami ang nasawi sa Region 5 na umabot 28 habang 15 naman ang naiulat na nasawi sa Calarbazon Region, at tig-isa naman sa Region 1, 3, at 9.
Samantala pito ang naitalang nasugatan, sa bilang na ito apat ay mula sa Region 5 at tig-isa sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Nasa 20 indibidwal ang patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.
Sa ngayon, patuloy din ang validation ng OCD sa mga nabanggit na bilang.
Samantala, sa ulat ng Philippine National Police nasa 31 ang napaulat na nasawi dahil sa bagyong Kristine.
Ito ay batay sa mga natanggap na ulat ng PNP Headquarters sa kanilang mga regional office.
Pero nilaw ni PNP Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na iba-validate pa ng OCD ang nabanggit na bilang. | ulat ni Diane Lear