Umano’y bilyong pisong flood control project sa Bicol, pinabulaanan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasinungalingan ni House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co ang mga kumakalat na alegasyong binuhusan ng bilyong pisong pondo ang flood control sa Bicol.

Aniya, isa ang Bicol sa may maliit na alokasyon pagdating sa national road infrastructure at flood control projects.

Sabi pa niya na sa ilalim ng kasalukuyang liderato ng Kamara, sinunod nila ang infrastructure strategy ng administrasyon na convergence program kung saan magkakaugnay ang flood control measures, water management at food security.

Halimbawa aniya nito ay ang pagkonekta ng flood control sa water impounding facilities ng National Irrigation Administration (NIA), na magiging patubig sa mga sakahan.

“Congress, under Speaker Romualdez’s leadership, is ensuring that all flood control initiatives are connected to NIA’s water management system. This approach ensures that these projects contribute directly to our agricultural needs,” paliwanag ni Co

Pagtiyak ng mambabatas, na bawat piso sa budget ng pamahalaan ay nakatuon sa makabuluhang mga proyekto na may pangmatagalang benepisyo sa disaster mitigation at seguridad sa pagkain. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us