Kinilala ni Senate Committee on Public Works Chairperson Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang mabilis at agarang kilos ng ahensya sa pagpapadala ng kanilang mga kawani para suriin ang mga pampublikong imprastraktura, sa kabila ng hagupit ng bagyong Kristine.
Giniit ng senador, na napakahalaga ng papel ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para makapsok ang mga rescuer at tulong sa mga apektadong lugar.
Sinang ayunan ni Revilla ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na ang immediate concern ngayon ay matiyak na ang mga apektado ng bagyo ay hindi isolated at maabot agad ng tulong.
Batid aniya ng mambabatas, na malaking hamon ang kinakaharap ng ahensya ngayon pero dapat lang aniyang magpatuloy lalo’t sa kanila nakaasa ang buhay ng nakararami.
Una nang nagpadala si Revilla ng trak-trak na relief goods sa Bicol kung saan nahirapan ang paghahatid ng nasabing tulong, dahil sa baha at mga nasirang imprastraktura. | ulat ni Nimfa Asuncion