Relief operations sa evacuees sa Batangas at Quezon, umarangkada na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ng ilan sa Batangas representatives ang pamamahagi ng relief goods matapos unti-unting bumuti ang panahon.

Si Batangas 3rd District Rep. Maria Theresa Collantes, nagpaabot ng relief packs sa mga lumikas na residente ng Balete Batangas na nananatili sa Palsara Elementary School.

Kasama niya dito ang aktor na si Lucky Manzano at Balete Mayor Wilson Maralit.

Sabayan din aniya ang pagpapaabot ng tulong sa iba pang evacuation areas sa ikatlong distrito

Isa naman sa mga unang barangay na hinatiran ng tulong ni Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro ang Brgy. Aplaya sa Bauan Batangas.

Sa Quezon province naman, maagang nagpaabot ng tulong si Quezon 3rd District Rep. Reynante Arrogancia kasama ang mga lokal na opisyal ng Mulanay.

Unan nilang hinatiran ng relief packs ang Brgy. Poblacion 2 na pinaka tinamaan ng bagyo.

May 6,000 na food pack din aniya silang kukunin mula sa DSWD warehouse sa Pasay para ipamahagi sa iba pang kalapit na brgy.

Isinailalim na sa state of calamity ang Mulanay dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine.

Nakapagpamahagi na rin sila ng tulong sa Catanauan at Pitogo Quezon. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us