Quezon City, isinailalim na sa State of Calamity dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Idineklara ang State of Calamity sa Quezon City matapos ang pananalasa ng bagyong Kristine.

Ito ay matapos ang isinagawang special session na pinangunahan nina Vice Mayor Gian Sotto at Majority Leader Doray Delarmente ngayong hapon.

Sa pamamagitan ng isang resolusyon, pinayagan ng Konseho ng lungsod ang mga apektadong barangay na gamitin ang kanilang Quick Response Fund upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng baha.

Samantala, as of 1PM, bumaba na ang bilang ng mga indibidwal na inilikas sa mga lugar na binaha sa Quezon City.

Mula sa mahigit 10,000 na indibidwal, bumaba ito sa mahigit 8,000 na indibidwal na nananatili sa 38 evacuation centers sa 26 na apektadong barangay.

Sa ngayon, patuloy ang pamahalaang lungsod sa pagbibigay ng mainit na pagkain, food packs, at iba pang pangangailangan sa mga nasalanta ng bagyong Kristine. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us