Aabot na sa P12,155,568.62 ang halaga ng pinsala sa mga electric cooperative (EC) sa mga rehiyon na sinalanta ng Bagyong Kristine.
Batay ito sa pinakahuling ulat ng National Electrification Administration-Disaster Risk Reduction and Management Department.
Lubos na napinsala ng bagyo ang 11 ECs, na kinabibilangan ng QUIRELCO, ABRECO,
BENECO, NEECO II-Area 1, MARELCO, TELCO, FICELCO, AKELCO, NONECO, SAMELCO 1 at LEYECO 5.
Kabuuang,74 Electric Cooperatives mula sa 48 lalawigan at 12 rehiyon ang nagkaroon ng aberya dahil sa bagyo.
Sinisikap na rin na agarang maibalik ang serbisyo ng power lines ng PANELCO1, BATELEC 1 at CASURECO 3 para sa kanilang costumers.
Ayon sa ulat, 45 ECs ang nakakaranas pa rin ng partial power interruptions habang 26 ECs ang nasa normal operations o 515 mula sa kabuuang 897 munisipalidad. | ulat ni Rey Ferrer