Inatasan na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang mga key shelter agency na magpatupad ng moratorium sa housing amortization sa mga miyembrong apektado ng Bagyong Kristine.
Ginawa ito ng DHSUD bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpaabot ng anumang tulong sa mga sinalanta ng bagyo.
Partikular na hinimok ni DHSUD Secretary Rizalino Acuzar ang Home Development Mutual Fund (HDMF) o Pag-IBIG Fund, National Housing Authority (NHA), Social Housing Finance Corporation at National Home Mortgage Finance Corporation.
Nakikipagtulungan rin ang DHSUD sa LGUs para sa mabilis na pagproseso sa mga pamilyang magiging kwalipikado sa Integrated Disaster Shelter Assistance Program (IDSAP) ng departmento.
Bukod dito ang pag-activate sa lahat ng shelter clusters sa mga apektadong lugar para sa maayos na validation ng listahan ng IDSAP mula sa mga LGU.
Sa ilalim ng IDSAP, magbibigay ng DHSUD ng Php30,000 unconditional cash assistance sa mga pamilya na may totally damage na bahay habang Php10,000 naman para sa mga partially damaged houses.| ulat ni Rey Ferrer