Ilang mga hakbang ang ipatutupad ng Department of Finance (DOF) upang maibsan ang hirap na dinadala ng ilang sa mga biktima ng bagyong Kristine.
Pinalawig Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline ng pagbabayad at submission ng iba pangreportorial requirements sa ilang piling Regional District Offices (RDOs) hanggang October 31, 2024.
Nasa proseso nama ngayon ang Bureau of Customs (BOC) ng pagiinventory ng mga forfeited goods, food, at agricultural products na ligtas para i-donate sa typhoon victims.
Pinalawig ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) ang financial assistance sa pamamagitan ng kanilang calamity at emergency loans.
Habang ang Land Bank of the Philippines (LANDBANK) naman ay magaalok ng salary loans para sa mga empleyado ng gobierno at private companies na may LANDBANK payrolls.
Maari din na mag provide ang LandBank ng financial support sa mga kooperatiba; micro, small, and medium enterprises (MSMEs); corporations, at electric distribution utilities para sa agarang working capital at disaster recovery.| ulat ni Melany V. Reyes